Higit 1.3-M katao, nabakunahan vs COVID-19 sa unang dalawang araw ng ikatlong ‘Bayanihan, Bakunahan’

Photo credit: Quezon City government/Facebook

Tuluy-tuloy pa rin ang pag-arangkada ng ikatlong “Bayanihan, Bakunahan” sa bansa.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na umabot sa 1.3 milyon ang bilang ng mga nabakunahan laban sa COVID-19 simula February 10 hanggang 11.

“Ito po ay mababa pa doon sa ating target na nababakunahan na limang milyon,” saad nito.

Paliwanag ni Vergeire, “Maaring ang mga rason ay syempre dito sa NCR, tayo po ay nag-uubos na lang dahil mataas na po ang bakunahan ngunit ang atin pong mga team were mobilized already para galugadin talaga, magbahay-bahay doon sa mga lugar na mabababa pa ang vaccination rate.”

Pinalawig ng gobyerno ang ikatlong National Vaccination Days sa bansa hanggang February 18.

Read more...