(UPDATED) Tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa Batanes, Sabado ng umaga.
Sa earthquake information no. 3 ng Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa layong 41 kilometers Southwest ng bayan ng Sabtang dakong 8:41 ng umaga.
May lalim ang pagyanig na 51 kilometers at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 4 – Sabtang, Batanes
Intensity 3 – Uyugan, Ivana, Mahatao at Basco, Batanes
Intensity 1 – Itbayat, Batanes
Wala namang napaulat na pinsala sa Sabtang at mga karating-bayan.
Ngunit, nagbabala ang Phivolcs na posibleng makaranas ng aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES