Presyo ng gasolina at diesel, inaasahang gagalaw ngayong darating na linggo

PHILIPPINES-CHINA-DIPLOMACY-MARITIME-OILPosibleng magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng adjustment bsa presyo ng gasolina at diesel ngayong darating na linggo.

Ito ang inanunsiyo ng Department of Energy, batay sa natatanggap nilang ulat mula sa iba’t ibang oil companies.

Ayon kay Melot Obillo, director ng DOE Oil Management Bureau, inaasahan nila na matatapyasan ang presyo ng gasolina at tataas naman ang presyo ng diesel ngayong darating na linggo.

Maglalaro aniya ang price adjustments simula 0.15 hanggang 0.25 centavos.

Sinabi rin ni Obillo na ang nasabing adjustments ay dahil sa pag-galaw ng presyo ng produktong petrolyo sa world market.

 

Read more...