Presidential bid ni VP Leni sinuportahan ng higit 130 ekonomista

Lumulubo ang nakukuhang suporta sa kandidatura sa pagka-pangulo ni Vice President Leni Robredo.

Inendorso ng higit 130 ekonomista, kabilang ang mga dating socio-economic planning at National Economic and Development Authority (NEDA) secretaries, si Robredo.

Umaasa naman na ang pagsuporta ng mga ekonomista ay magbubunga pa ang karagdagang suporta sa iba pa.

“They are all very capable and well-respected individuals who have devoted a good part of their lives working for government. Thay they believe VP Leni should be the country’s next president because of her leadership and qualifications is a boost for the campaign,” sabi ni Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo.

Sa inilabas na pahayag ng mga ekonomista, sinabi ng mga ito na bukod sa kapwa nila ekonomista at abogado si Robredo, napatunayan na ang magandang uri ng pamumuno nito sa pamamagitan ng mga maayos at kapaki-pakinabang na mga programa ng Office of the Vice President.

Read more...