Pangulong Duterte titiyakin na magiging makabuluhan ang natitirang panahon sa puwesto

Siniguro ni Senator Christopher Go na hindi masasayang ang natitirang panahon  sa puwesto ni Pangulong Duterte at patuloy nitong pagsisilbihan ang sambayanan.

Sinabi ito ni Go matapos ianunsiyo ni Pangulong Duterte kamakailan na sinimulan na niya ang pag-iimpake ng kanyang mga gamit sa Malakanyang kahit may mahigit apat na buwan pa ito sa puwesto.

“Ganun naman ang buhay. Lahat ng mga bagay ay may pagtatapos. Kaya naghahanda na si Pangulong Duterte dahil alam naman nating patapos na ang kanyang termino,” sabi ng senador.

Dagdag pa ni Go, nais ng Punong Ehekutibo na magiging maayos ang pagsasalin niya ng kapangyarihan sa susunod na mamumuno sa bansa.

Naniniwala din ang dating special assistant to the President na ginawa ni Pangulong Duterte ang kanyang trabaho sa abot ng kanyang makakaya.

“He will definitely continue to work until the last day of his term,” sabi pa ni Go.

Read more...