Nababahala si Senator Leila de Lima sa kalagayan ngayon ng 26 sabungero na diumanoy nawawala at pinangangambahan na dinukot.
Puna ng senadora tila hindi napapansin ng publiko ang tila mabagal na pag-iimbestiga ng awtoridad.
“What’s the big mystery about missing or abducted sabungeros? Game-fixing syndicate? Is that the only theory? Why the seemingly slow pace of investigation? Meron na bang tunay na leads, persons of interest o suspects?” ang pagtatanong ng senadora.
Unang napaulat ang pagkawala ng apat na sabungero sa sabungan sa Sta. Cruz, Laguna, na sinundan nang pagkawala ng anim pa sa sabungan naman sa Sta. Ana,Maynila.
Sa ngayon, 26 sabungero na ang nawawala at ayon sa PNP may mga itinuturing na silang persons of interest sa mga kaso.
“Nakakabahala ang nangyayaring ito at hindi ito puwedeng ipagkibit-balikat lang ng gobyerno. Kailangan ng masusing imbestigasyon rito upang panagutin ang dapat managot bago pa lalong lumubo ang bilang ng mga nawawala,” dagdag pa ni de Lima.