Lamat na iniwan ng Smartmatic sa pagbibilang ng boto, pinanghinayangan ng PPCRV

tita de villaNanghihinayang si Parish Pastoral Council for Responsible Voting Chairperson Henrietta De Villa sa lamat na iniwan sa kanilang hanay ng kontrobersiyal na pagbabago na ginawa ng Smartmatic sa hash code ng transparency server ng PPCRV.

Pero katulad ng mga naunang paglilinaw ng PPCRV, sinabi ni De Villa na imposibleng mabago ang figures o bilang ng mga boto na ipinadadala ng mga vote counting machines patungo sa transparency server ng PPCRV dahil iyon ay may nakahiwalay na programa sa computer.

Nang binago rin aniya ang hash code ay naroon ang kinatawan ng Comelec dahil kalahati ng password ng computer program para sa hash code ay nasa panig ng Comelec, ibig sabihin ang kalahati rin ng password ay nasa panig ng smartmatic.

Hindi rin aniya marahil inasahan ng Smartmatic na lalaki ang usapin sa pagbabagong iyon dahil hindi naman nila alam na ganuon pala ka-sensitibo ang ilan sa supporters ng mga kandidato.

 

Read more...