3 patay, 23 sugatan sa malawakang riot sa Moscow

Photo from EPA
Photo from EPA

Patay ang tatlo katao habang mahigit dalawampu ang sugatan matapos magkaroon ng malawakang riot sa isang sementeryo sa Moscow.

Ayon sa tagapagsalita ng Moscow health department, ginagamot na ang dalawampu’t tatlo katao at apat sa mga ito ay tumamo ng malubhang sugat.

Nabatid na aabot sa siyamnapu katao ang naaresto ng mga pulis matapos magkapukpukan ng steel bar at magbarilan sa loob Khovanskoye cemetery.

Pawang mga imigrante na aabot sa dalawangdaan ang sangkot sa insidente.

Ayon sa interior ministry ng Russia, nagsimula ang away matapos magkaroon ng pagtatalo sa kung sino ang may karapatan na magtrabaho sa nasabing sementeryo.

 

Read more...