Motorsiklo at kotse, nagbanggaan sa Biliran, 2 patay

police-line-0815Nasawi ang dalawa katao makaraang mabangga ang sinasakyan motorsiklo sa kotse na minamaneho ng isang pari sa Naval, Biliran.

Kinilala ng mga pulis ang mga biktima na sina Noel Garcia at Jenna Sabocohan, parehong residente ng Barangay Agpangi.

Binabagtas ng dalawang biktima ang highway sa Barangay Agpangi nang mabangga ito sa pulang Honda Civic na may plakang KDS 196 at minamaneho ni Father Edward Veloso.

Si Veloso ay ang parish priest sa isang bayan na malapit sa Agpangi.

Died on the spot si Sabocohan na siyang nagmamaneho ng motorsiklo habang nalagutan naman ng hininga si Garcia sa Biliran Provincial Hospital.

Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang aksidente na naganap pasado alas siyete kagabi.

 

Read more...