Ito ang idineklara ng Philippine National Police sa naganap na special polls sa labing anim na presinto na sakop ng dalawang munisipalidad sa Sulu.
Nagsilbing board of election inspectors (BEI) ang mga pulis sa gitna ng banta sa seguridad sa nasabing probinsya.
Kaugnay nito, naiproklama nang panalo sina governor Mujiv Hataman at vice governor Alrashid Lucman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Ayon kay Atty. Mike Abbas, ang ARMM Commission on Elections (Comelec) supervisor, hindi na makakaapekto sa boto ng mananalong kandidato sa regional level ang isinagawang special elections sa Maguindanao at Lanao Del Sur.
Samantala, ipinagpaliban naman sa Lunes ang special elections sa dalawang bayan sa Antique matapos bigong dumating sa probinsya ang mga dokumento na kailangan upang maisagawa ang botohan.