Pag-ban sa Filipinong seafarers sa Europa, ikinabahala ng Angkla Partylist

Labis na nababahala ang Angkla Partylist Group sa napipintong pag-ban ng European flag ships sa Filipinong seafarers.

Ayon kay Angkla Partylist first nominee Atty. Jesulito Manalo, ito ang dahilan kung kaya patuloy na nagpupursige ang kanilang grupo na makabalik sa Kongreso sa May 2022 elections.

Ayon kay Manalo, unang tutukan ng kanilang hanay ang kabuhayan ng 1.5 milyong Filipino seaman sa pamamagitan ng pagsiguro sa tiwala ng international ship owners.

“Hindi dapat makompromiso at malagay sa panganib ang kabuhayan ng 1.5 milyong Filipinong Marino sa ibang bansa na nag papasok ng malaking pera sa laban ng bayan sa pamamagitan ng bilyon-bilyong dolyar na remittances. Tutukan natin ang issue na iyan sa ating pagbabalik sa Kongreso,” pahayag ni Manali.

Una rito, nanawagan si Manalo sa gobyerno na tutukan ang napipintong pag-ban ng Filipino seafarers sa European flag ships dahil sa nakabinbing desisyon ng European Union sa usapin ng European Maritime Safety Agency.

Ayon kay Manalo, urgent ang posibleng pag-ban sa mga Filipinong marinobdahil sa mga na kitang kakulangan ng EMSA assessors sa Philippines seafarer’s education, training at certification system.

“The global maritime industry, albeit very essential for everyone, is really difficult to understand for outsiders. Wika nga natin sa Tagalog, masalimuot. That is the reason why Angkla is at the forefront of advancing maritime representation in Congress and even the Executive department, ” pahayag ni Manalo.

Tutukan din ng Angkla ang karapatan ng mga Filipino seafarers sa pagsusulong na maging batas ang Magna Carta for Seafarers na nakabinbing pa rin sa Kamara at Senado.

Sa ilalim ng House Bill 457 at 5685 na iniakda ni Manalo, mabibigyan proteksyon ang mga Filipino seafarers para magkaroon ng ligtas na workplace alinsunod sa safety standards, disenteng working at living conditions at iba pa.

Read more...