Bumaba na sa ‘low risk’ status sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR) at ilang lalawigan sa Central Luzon, ayon sa OCTA Research.
Sa datos na inilabas ni OCTA Research fellow Guido David hanggang February 10, ‘low risk’ na ang Bulacan.
Mananatili naman sa ‘moderate risk’ category ang Bataan, Aurora, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales.
“Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac and Zambales remained at moderate risk mainly due to high positivity rates,” paliwanag ni David.
Lumabas din sa datos na nakapagtala ang NCR ng -60 percent na one-week growth rate sa mga kaso, -63 percent sa Aurora, -45 percent sa Bataan, -53 percent sa Bulacan, -62 percent sa Nueva Ecija, -58 percent sa Pampanga, -44 percent sa Tarlac, at -48 percent sa Zambales.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang February 10, nasa 93,307 pa ang bilang ng aktibong kaso sa Pilipinas.