323 pang pulis, patuloy na nagpapagaling dahil sa COVID-19; Isa nasawi

Nasa 24 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (February 11), 48,700 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 323 ang aktibo pang kaso.

68 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 48,249 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 128 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...