Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 406.13 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 406.13 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 406,134,749 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 79,052,681 cases.

Sumunod na rito ang India na may 42,534,048 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 27,125,512 naman ang kaso sa Brazil habang 21,372,278 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 18,000,119
– Russia – 13,527,845
– Turkey – 12,653,276
– Italy – 11,923,631
– Germany – 11,897,002
– Spain – 10,555,196
– Argentina – 8,700,437
– Iran – 6,730,608

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,807,514 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 325,957,993 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...