Itinalaga ni Transportation Secretary Art Tugade si Coast Guard Vice Admiral Eduardo Fabricante bilang officer-in-charge Philippine Coast Guard (PCG).
Kasunod ito ng pormal na pagreretiro ni Coast Guard Admiral Leopoldo Laroya matapos ang 38 taong pagseserbisyo sa ahensya. Si Laroya ang ika-28 PCG Commandant.
Miyembro si Fabricante ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1989 at nagserbisyo bilang Deputy Command for Operations bago ang appointment bilang PCG OIC.
Epektibo ang bagong posisyon ni Fabricante sa Biyernes, February 11.
MOST READ
LATEST STORIES