Malaysian at kasabwat na Pinoy, timbog dahil sa pamemeke ng dokumento

Inquirer file photo

Arestado ang isang Malaysian national, kasama ang kasabwat na Filipino, dahil sa pamemeke ng mga dokumento.

Kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang mga suspek na sina Owi Jee Hao, 32-anyos na Malaysian National at Human Resource Manager sa Billions Dragons Company; at Lorenzo Vicedo, 26-anyos na Human Resource personnel sa kaparehong kumpanya.

Base sa record, lumitaw ang dalawang suspek sa Custodial Facility Unit ng Parañaque City Police Station.

Nagpanggap ang dalawang suspek na process servers ng Regional Trial Court sa Parañaque City at nagpakita ng Release Order para kina Han Xun, Cen Shalu, at Shen Fa, na nahaharap sa kasong kidnapping.

Nang iberipika sa korte, napag-alaman ng mga awtoridad na peke ng ipinakitang Release Order.

Dahil dito, agad inaresto ang dalawang suspek.

“It’s a good thing that we have a way to verify documents. I congratulate our personnel for being alert,” pahayag ni PNP Chief General Dionardo Carlos.

Nagbabala naman si Carlos sa mga indibiduwal na balak gawin ang kahalintulad na insidente.

Read more...