Bilang ng active COVID-19 cases sa Pilipinas, patuloy ang pagbaba

Patuloy ang pagbaba ng aktibong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa 3,627,575 na confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa, na 93,307 o 2.6 porsyento ang aktibong kaso, base sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Huwebes ng hapon (February 10).

Sinabi ng kagawaran na 4,575 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.

3,316 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 85,244 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,991 ang moderate, 1,444 ang severe, habang 312 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 94 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 54,783 o 1.51 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 7,504 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 3,479,485 o 95.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...