Nangyari ang aktibidad sa Bagong Silangan, Quezon City kasabay nang paglulunsad ng reelection campaign ni de Lima sa ilalim ng Leni Robredo – Kiko Pangilinan at tinawag itong “Saranggola para sa Hustisya at Pag-asa. ”
Isinabay ang nasabing aktibidad na ginanap sa Sitio Bakal, Bagong Silangan, Quezon City, sa pagsisimula ng campaign period
Kabilang sa mga nakiisa sa aktibidad si Roxanne Reid, 21-anyos na isa sa volunteers ni De Lima.
“Mahalaga para sa aming kabataan na pumili ng nararapat na mamuno sa ating lahat. Patuloy po nating sinusuportahan si Senadora De Lima dahil kailangan natin ng iba pang mga babaeng may tapang para ipaglaban tayo,” sabi ni Roxanne Reid, isang volunteer para sa senadora.
Pinasalamatan si de Lima ng 4Ps beneficiaries dahil sa pagsusulong at pagpapatatag ng naturang batas, na lubos na pinapakinabangan ng milyon-milyong pamilya at estudyanteng Filipino.
“Nagpapasalamat po kami kay Senator De Lima dahil hindi niya po kami pinabayaan. Kahit po nakakulong siya, siya po ay nakagawa ng paraan para maisabatas ang 4Ps,” saad ng mga benepisyaryo.
Sa ilalim ng 4Ps, ang mga kuwalipikadong benepisyaryo ay pinagkakalooban ng tulong pinansyal ng pamahalaan, kaakibat ang ilang mga kondisyong kailangang tuparin para sa pag-aaral at kalusugan ng mga anak na sanggol o hindi lalampas sa 18 taong gulang.
Kabilang sa mga disenyo ng saranggola ay may mga katagang “Ina ng 4Ps,” “Laban Leila 2022”, “Ibalik ang Hustisya,” at “#Leilabantayo,” na pawang pahayag ng pagsuporta sa Senadora.