ABS-CBN, nananatili ang pasasalamat kay Toni Gonzaga

Photo credit: @ABSCBNNews/Twitter

Nananatili ang pasasalamat ng ABS-CBN sa aktres at TV host na si Toni Gonzaga-Soriano.

“ABS-CBN remains grateful to Toni Gonzaga-Soriano for the 16 years of being the main host ‘Pinoy Big Brother’,” saad ng TV network.

Dagdag nito, “We value Toni’s hosting prowess and her many years of serving the Filipino with us as a Kapamilya.”

Tinanggap ng ABS-CBN ang pagbibitiw ni Gonzaga sa naturang reality TV show.

Nirerespeto rin anila ng pamunuan ang personal na desisyon ni Gonzaga.

Miyerkules ng hapon, February 9 nang inanunsiyo ni Gonzaga ang pagbibitiw bilang main host ng “PBB”, isang araw matapos ang proclamation rally nina Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at vice presidential candidate Sara Duterte-Carpio.

Read more...