Si Toff ang papalit sa kanyang Ina na si Gina De Venecia bilang Kongresista, makaraang magdesisyon na hindi na ito muling kumandidato pa maging ang kanyang ama na si dating House Speaker Jose De Venecia.
Nakilala si Toff bilang child star ng masama siya sa mga pelikula at television sitcoms na Ober da Bakod nina Janno Gibbs at Anjo Yllana at sa Billy Bilyonaryo.
Pansamantalang tumigil sa showbiz ang nakababatang De Venecia para pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aaral. Naging Editor din ng isang magazine si Toff at bumuo ng isang theater group.