COC ng Overseas Absentee Voting, nabilang na sa kabuuan

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Ipinagmalaki ngayon ng Commission on Elections na nabilang ng lahat ng Certificate of Canvassed mula sa Overseas Absentee Voting.

Ayon kay OAV Commissioner in charge Arthur Lim, sinuri ng lahat ng kinatawan ng mga senador at partylist ang mga COC at wala namang naging problema rito. Sinabi ni Lim na kabuuang 58 certificate of canvass mula OAV ang kanilang nabilang na nagmula sa 82 foreign post.

Idinagdag ni Commissioner Lim na ang pagbaba ng voters turn out sa OAV ay dahil sa pangit na postal service sa ibang bansa dahil may mga balota na hindi kaagad nakarating sa mga botante at ang iba naman ay hindi nakabalik sa mga konsulada o embahada ng Pilipinas.

Gayunman, sinabi nito na ang nakalipas na May 9 elections ang ikalawa sa pinakamataas na voters turn out simula ng ipatupad itonoong 2004. May kabuuang 1, 376, 067 overseas absentee registered voters subalit 432, 706 lamang ang bumoto o 40 porsyento sa kabuuan naging maayos naman anya ang overseas absentee voting at nagkaroon lamang sila ng problema sa electronic transmittal sa Tel Aviv, Israel dahil nagkaroon ng internet blockade sapagkat ipinagbabawal doon ang electronic transmittal dahilan upang mag manual upload sila.

Read more...