Mayroon kasing mga napaulat na paggamit sa drona sa mali o ilegal na paraan.
Sa House Resolution 2473, nais ng kongresista na maimbestigahan ito ng House Committee on Transportation para makagawa ng batas o marepaso ang mga patakaran sa operasyon ng mga drone.
Sa ganitong paraan, mabibigyang proteksyon ang karapatan sa “privacy,” kaligtasan at seguridad ng publiko.
Batay sa resolusyon, may mga ipinatutupad namang panuntunan at regulasyon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ukol sa paggamit ng mga drone.
Kabilang dito ang hindi pagpasok ng mga drone sa mga pribadong lugar o “populated zones” gaya ng subdivisions at residential areas nang walang kaukulang permiso.
Ani Robes, may ilang ulat na may drone operations na lumalabag sa pribadong buhay ng ilang grupo o indibidwal.
Mayroon ding report ng “robbery” o nakawan na naisasakatuparan sa tulong ng paglilipad ng drones.
Nababahala rin ang mambabatas na magamit ang mga drone sa “political partisanship” sa kasagsagan ng eleksyon.