Unang bugso ng foreign tourists families at mga balikbayan, inaasahan na

Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na inaasahang tataas ng mahigit 30 porsyento ang bilang ng mga darating sa unang araw ng pagbubukas ng borders ng bansa sa foreign tourists na fully vaccinated laban sa COVID-19.

Ayon kay BI Port Operations Division (POD) Chief Atty. Carlos Capulong, maaring makapagtala ng halos 7,000 arrivals sa araw ng Huwebes, February 10, kumpara naitalang 4,816 arrivals noong February 9.

Sinabi ng ahensya na karamihan sa mga darating na biyahero ay mga Filipino, at maaring 27 porsyento ang mga dayuhan.

Ipinag-utos naman ni BI Commissioner Jaime Morente sa port personnel na manatiling mapagmatyag at tiyakin na ang eligible aliens lamang ang makakapasok sa bansa.

“Many unmarried couples and families have long lobbied for the reopening of our borders for them to be reunited with their loved ones,” pahayag nito at dagdag ni Morente, “We expect that some of the first to arrive here will be those who wish to be together with their families.”

Sinabi pa nito na maaring umakyat sa 10,000 hanggang 12,000 ang bilang ng arrivals kada araw sa mga susunod na buwan.

Umaasa aniya ang BI na magiging maayos ang sistema at unti-unting maka-adapt sa tinatawag na ‘new normal.’

“We see this as the start of the recovery of the tourism industry which we hope will renew its vigor as in the previous years,” saad ni Morente.

Read more...