Higit 923,000 OFWs, napauwi ng gobyerno

Umabot na sa mahigit 923,000 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang napauwi ng gobyerno simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic noong 2020.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac na nasa 923,652 na ang kabuuang bilang ng OFWs na na-repatriate sa tulong ng mga ikinasang hakbang ng mga ahensya ng gobyerno.

Maiibsan aniya ang inilaang P11.4 bilyong pondo kasunod ng ipinatupad na Inter-Agency Task Force (IATF) resoluation 159, kung saan nakasaad na hindi na kailangan ang facility-based quarantine sa mga fully vaccinated at may negative RT-PCR test ang parating na OFW.

Bumaba rin aniya nang husto ang occupancy sa hotel quarantine facilities.

Aniya, mahigit 1,000 OFWs na lamang ang nananatili sa 51 hotels quarantine facilities. Karamihan aniya rito ay hindi fully-vaccinated laban sa COVID-19.

Read more...