Dating QC Mayor Bistek Bautista tanggal na sa Ping-Tito lineup

Kinumpirma ni Partido Reporma presidential aspirant Panfilo Lacson na tinanggal na si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista sa senatorial line-up nila ng kanyang running mate na si Senate President Vicente Sotto III.

Kasunod ito nang diumanoy pag-endorso ni Bautista sa ibang presidential at vice presidential aspirants.

Ayon naman kay Sotto, na chairman ng Nationalist People’s Coalition, maaring masipa din sa kanilang partido si Bautista dahil sa ‘disloyalty.’

Iginiit nina Lacson at Sotto walang problema sa kanila kung sumama sa kampaniya ng kanilang mga kalaban ang mga kabilang sa kanilang senatorial line-up.

Anila naiintindihan naman nila na gusto din ng mga ito na manalo kayat maluwag sila sa mga ito.

Ngunit pagdidiin nina Lacson at Sotto huwag lang magkakamali na mag-endorso ng kalaban ang kanilang mga ‘senatoriables.’

Read more...