Lagpas 5.79 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,794,767 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 935,882.
Sumunod na rito ang Brazil na may 635,189 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 506,549 naman ang death toll sa India habang 337,390 ang napaulat na nasawi sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 309,884
– Peru – 207,312
– United Kingdom – 158,953
– Italy – 149,896
– Indonesia – 144,784
– Colombia – 136,404
– France – 133,614
– Iran – 133,164
– Argentina – 123,444
– Germany – 119,972
– Poland – 107,204
– Ukraine – 101,887
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 403,442,851 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 323,105,024 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.