Cyber-bullying, iba pang cybercrimes tutukan ng anti-crime task force

Ang ibat-ibang cyber cimes, partikular na ang cyber-bullying, ang prayoridad ng bagong namumuno sa Task Force Multiplier Anti-Crime – Caloocan Chapter.

Ayon kay April Grace Calleja-Castro, ang president ng AA Construction and Aggregates Trading, tinanggap niya ang posisyon at mga kaakibat na hamon nito para makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lungsod ng Caloocan.

Aniya tutulong din sila na masugpo ang kriminalidad sa lungsod katuwang ang puwersa ng pulisya.

Nangako din ito na tutulungan ang mga biktima ng krimen at pang-aabuso.

Paliwanag nito sa kanyang pagtuon sa cyber crimes, naging biktima siya kamakailan lamang ng cyber bullying at character assassination sa social media kayat alam niya ang pakiramdam at epekto nito sa mga biktima.

Dagdag pa ni Calleja – Castro ang mga mangangailangan ng kanilang tulong ay maaring bumisita sa kanilang social media pages.

Read more...