Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nasa higit 96,000

Nasa 3,651 ang napaulat na bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Miyerkules ng hapon (February 9), pumalo na sa 3,623,176 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 96,326 o 2.7 porsyento ang aktibong kaso.

4,150 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 87,385 ang nakararanas ng mild symptoms, 3,029 ang moderate, 1,447 ang severe, habang 315 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 69 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 54,690 o 1.51 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 12,834 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 3,472,160 o 95.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...