Pangulong Duterte, inendorso ang senatorial bid ni JV Ejercito

“I endorse JV Ejercito as he runs for the Senate in the upcoming elections.”

Ito ang naging anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa pag-endorso sa senatorial bid ni dating Senador JV Ejercito.

Inilabas ang video message ng Pangulo sa Facebook page ni Ejercito.

“JV Ejercito has always been a friend and a partner of this administration in pushing for advocacies that advance our development agenda, especially for the poor,” saad ng Punong Ehekutibo.

Alam aniya niyang nagseserbisyo si Ejercito sa bansa at mamamayan nang may sipag at tiyaga.

“I hope that you’ll give him another chance to serve you. Good luck, JV, at mabuhay ka,” dagdag nito.

Nagpasalamat naman si Ejercito sa Pangulo para sa pag-endorso sa kanya.

Kabilang si Ejercito sa senatorial slate nina presidential aspirant at Senators Panfilo “Ping” Lacson at Manny Pacquiao.

Read more...