14 patay, 35 sugatan sa landslide sa Colombia

Photo credit: @UNGRD/Twitter

Patay ang hindi bababa sa 14 katao habang 35 naman ang sugatan sa nangyaring landslide sa ilang kabahayan sa central Colombia.

Apektado ng landslide ang bahagi ng La Esneda bunsod ng naranasang malakas na buhos ng ulan sa naturang coffee-growing province.

Ayon sa UNGRD disaster agency, isang indibiduwal naman ang nawawala.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang rescue operations sa naturang lugar.

Inilikas na rin ng mga awtoridad ang mga pamilya sa mga kalapit-bahay dahil umapaw na ang tubig sa Otun river.

Read more...