Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 400.30 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 400.30 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 400,307,322 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 78,544,267 cases.

Sumunod na rito ang India na may 42,409,052 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 26,776,620 naman ang kaso sa Brazil habang 20,804,372 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 17,932,803
– Russia – 13,147,666
– Turkey – 12,446,111
– Italy – 11,765,767
– Germany – 11,411,464
– Spain – 10,439,302
– Argentina – 8,648,075
– Iran – 6,657,842

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,781,309 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 320,601,892 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...