Ping Lacson – Tito Sotto Tandem inendorso ni Bossing Vic

Napabilang na si Vic Sotto, ang tinaguriang ‘Bossing’ sa mundo ng showbiz, sa mga nag-endorso sa tambalang Ping Lacson – Tito Sotto.

Sinorpresa ni Bossing ang kanyang Kuya Tito sa proclamation rally nina Lacson at Sotto sa Imus Grandstand sa Cavite.

“Ako ay hanga sa katapatan nitong taongg ito – katapatan sa pagbibigay ng serbisyong publiko. Nakita natin yan sa record niya. At pagdating sa katapangan di mo matatawaran. Kabitenyo, eh. Katapangan para laban ang mga tiwali sa gobyerno, para labanan ang korapsyon sa gobyerno,” ani Bossing sa pagkikilala niya sa mga katangian ni Lacson.

Para naman sa kanyang Kuya Tito, sinabi ni Bossing; “ Siya ang makakatulong ng ating Pangulong Ping para ayusin ang gobyerno, ayusin ang buhay nating lahat.”

Dumalo din ang Dabarkads na sina Jose Manalo at Wally Bayola, gayundin ang manugang ni Bossing, si dating professional basketball player Marc Pingris.

Read more...