Pinagdududahan na kung matutupad pa ng Dito Telecommunity na masunod pa ang kanilang rollout plan hanggang sa 2024 bunsod nang kakulangan ng mamumuhunan.
Unang kinansela ang P8 billion stock rights offering (SRO) ng Dito CME Holdingss Corp., ang majority stockholder ng Dito Telecommunitym dahilan para humingi ng tulong sa mga banyagang nagpapa-utang.
Nagbunga ito ng pagdududa sa pangako ng Dito Telecom na magagawa nitong tapatan ang ibinibigay na serbisyo ng Smart PLDT at Globe Telecom.
Nakuha ng 3rd major telco sa bansa ang kumpiyansa ng mga banyagang nagpapautang ngunit maging ito ay pinagdudahan na kinalaunan dahil sa ikinakabit ang Dito sa China.
Nalaman na bahagi ng Dito ay pag-aari ng China Telecom Corp., nap ag-aari naman ng gobyerno ng China.
Una na rin binaha ng mga reklamo ang Dito Telecom ng kanilang mga bagong subscribers dahil sa mahinang signal, mabagal na internet, hindi compatible na SIM cards sa mga cellphone at maging poor customer service.
Ngayon ay masigasig ang paghahanap ng Dito Telecom ng mauutangan dahil dito nakasalalay ang kanilang prangkisa gayundin ang inilagak nilang bilyong-bilyong pisong performance bond.