Pangulong Duterte, hindi dadalo sa campaign kickoff rally ni Mayor Sara

PCOO photo

Hindi makakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa campaign kickoff rally ng kaniyang anak na si vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, kasama ang running mate na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa Palace press briefing, sinabi ni Cabinet secretary at acting Presidential spokesperson Karlo Nograles na hindi kasama sa schedule ng pangulo ang naturang proclamation rally na gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan.

“As per Appointment’s Office ng Malacañang, wala pong ganyang entry sa kanyang official calendar as of last night,” saad ni Nograles.

Sa Talk to the People, Lunes ng gabi (February 7), inihayag ng Punong Ehekutbo na wala siyang ineendorsong presidential candidate.

Maliban na lamang aniya kung, “there is a compelling reason for me to change my mind.”

Umapela naman ang Palasyo sa mga kandidato na tiyakin ang patas at payapang eleksyon.

Read more...