Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, mababa na sa 500

Nasa 34 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (February 8), 48,619 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 478 ang aktibo pang kaso.

204 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 48,014 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 127 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...