Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 5.76 milyon na

AFP photo

Lagpas 5.76 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,767,351 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 928,136.

Sumunod na rito ang Brazil na may 632,720 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 504,078 naman ang death toll sa India habang 336,023 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 309,546
– Peru – 206,984
– United Kingdom – 158,363
– Italy – 149,097
– Indonesia – 144,636
– Colombia – 135,992
– Iran – 132,934
– France – 132,923
– Argentina – 122,943
– Germany – 119,495
– Poland – 106,607
– Ukraine – 101,392

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 397,815,891 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 317,314,860 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...