Pangulong Duterte walang susuportahan sa mga presidential bets

Kuwalipikado naman, ayon kay Pangulong Duterte, ang limang presidential aspirants na sumalo ng kanyang iiwan na posisyon, ngunit aniya wala siyang naiisip na suportahan sa mga ito.

Ibinahagi ito ni Pangulong Duterte ilang oras bago ang pagsisimula ng campaign period para sa mga kandidato sa mga pambansang posisyon.

Idinagdag pa nito na marami sa mga ‘presidentiables’ ang kinukuha ang kanyang suporta.

“Almost all candidates, in one way or the other, communicated to me, nakipag-usap, nanghingi ng suporta. But at this tome I am saying that I am not supporting anybody,” sabi pa ng Punong Ehekutibo.

Ngunit nagpahiwatig ito na maari pa rin naman na may iendorso siya at mangyayari lamang aniya ito kung kinakailangan.

“I may, in the end, if I see that my advice, maybe my endorsement would help, kung kailangan. Unless there is a compelling reason, really, for me to change my mind and decide to support a candidate,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Read more...