Sen. Manny Pacquiao kinilalang ‘Ambassador for the Homeless’

MANNY PACQUIAO MEDIA PHOTO

Binansagan si Senator Manny Pacquiao na ‘world’s Ambassador for the Homeless and Vulnerable’ ng Spring Rain Global, isang international philanthropic organization.

Kasabay ito nang pangunguna ni Pacquiao sa pagpapatayo ng housing development project sa reclamation area sa Barangay Subangdako sa Mandaue City sa Cebu.

Kilala ang Spring Rain Global sa buong mundo dahil sa pangunguna sa mga ibat-ibang programa at proyekto sa ilang dako ng mundo, partikular na ang pagsasagawa ng humanitarian projects.

Aabot sa 3,000 housing units ang itatayo sa nabanggit na lugar.

Ang pagkilala kay Pacquiao ay bunsod nang pagtataguyod sa kapakanan ng mga walang sariling bahay.

Naibahagi ng presidential aspirant ng PROMDI Party na ang pabahay ang isa sa mga prayoridad niya sakaling siya ang mahahalal na susunod na pangulo.

Kasama ito aniya sa kanyang isinusulong na HEALTH o Housing, Education, Aid, Livelihood, Transportation and Utilities and Health.

Read more...