Nasa kamay na ng Department of the Interior and Local Governmeny (DILG) ang listahan ng mga hindi pa bakunadong indibiduwal sa 12 sa 17 rehiyon sa bansa.
Ito ang pagbabahagi ni Interior Sec. Eduardo Año at aniya ang listahan ay pagbabasehan ng ikakasang istratehiya sa pagbabakuna sa mga barangay na mababa ang bilang ng mga nabakunahan.
“Itoy magiging basis natin ngayon para mabigyan pansin yung mga nasa listahan na hindi pa nabakunahan. Karamihan dito na lugar na malalayo so ito ang magiging strategy natin kung paano mapapaabot ang bakuna rito,” sabi ng kalihim.
Una na itong nakipagpulong sa mga lokal na opisyal, na ang mga nasasakupan ay ang mga nangunguna at nahuhuli sa bilang ng mga bakunadong mamayan.
Ibinahagi niya na ang Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) ay nasa 30 porsiyento na ang nabakunahan mula sa datibf 10 porsiyanto lamang.
Pagtitiyak ni Año na bibigyan ng sapat na atensyon ang mga lugar na mababa ang vaccination rate kabilang na ang pagpapada ng mga karagdagang volunteer vaccinators at vaccines.
Tiniyak naman niya na susuporta ang AFP, PNP at Bureau of Fire Protection para sa mabilis at ligtas na pagde-deliber ng mga bakuna.