COVID 19 Task Force, LGUs at schools hinimok maghawak-kamay ni Sen. Gatchalian sa pedia vaccination

Hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang National Task Force Against COVID 19 at local government units (LGUs) na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa mga eskuwelahan sa pagkasa ng mga batang may edad lima hanggang 11.

Naniniwala ang senador malaking tulong ang paghawak-hawak kamay ng mga kinauukulan para matukoy ang mga mag-aaral na maaring mabakunahan ng proteksyon sa COVID 19.

Una nang inihayag ng Department of Education (DepEd) na bibigyang prayoridad sa face-to-face classes ang mga estudyanteng bakunado.

Pagdidiin ng namumuno sa Senate Committee on Basic Education napakahalaga na magbukas muli ang mga eskuwelahan para sa in-person learning dahil lubhang naapektuhan ng pandemya ang edukasyon at ekonomiya.

Sa pagtataya ng DepEd, tinatayang 14 milyong may edad na lima hanggang 11 ang maari nang maturukan ng COVID 19 vaccines.

Samantalang, ayon naman kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., plano ng gobyerno na mabakunahan ang 15.56 milyong bata na nasa nabanggit na age category.

Read more...