Nakumpleto na ang konstruksyon ng Phase 1 viaduct ng LRT-1 Cavite Extension.
“20 years ago, the government had a vision of putting a Cavite extension for the LRT-1 line. This was just a dream 20 years ago,” ayon kay Transporatation Secretary Art Tugade.
Aniya, importante ang pagtatapos ng naturang bahagi ng proyekto para matugunan ang mobility, connectivity, at kaginhawaan sa Cavite at Katimugang bahagi ng Metro Manila.
Punto ng kalihim, “Ang pagtatapos ng Phase 1 viaduct ay pagpapakita natin sa bayan na ang proyekto ay totoo. Pinapakita natin sa bayan na ang proyekto ay paparating at matatapos na.”
Nagpasalamat naman ni Tugade sa Parañaque City government at Light Rail Manila Corportation (LRMC) para sa aktibong kolaborasyon sa naturang proyekto.
“Kung wala ang local government, walang mangyayari sa proyekto,” saad ng kalihim at dagdag nito, “Sa LRMC naman, dumating ang pandemya, hindi kayo huminto and you took the challenge with great stride and a greater resolve. I think it’s just appropriate that we salute LRMC. Pinakita niyo ang pangangailangan na talaga na maganda ang partnership between the local government, private sector, and the national government.”
Isang joint project ang 11.7-kilometer LRT-1 Cavite Extension Project ng DOTr, Light Rail Transit Authority (LRTA), at LRMC.
Magkakaroon ito ng walong istasyon at magkokonekta sa pagitan ng Baclaran sa Parañaque City at Bacoor, Cavite.
Sa datos hanggang December 2021, nasa 61.60 porsyento na ang overall progress rate ng Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension Project.
Oras na maging fully operational, inaasahang magiging 25 minuto na lamang ang biyahe sa pgitan ng Baclaran at Bacoor, Cavite.
Tataas din sa 800,000 ang passenger capacity ng LRT-1 kada araw.