Safe internet use forum kontra online child abuse pangungunahan ng Globe

Bilang bahagi at pagpapatibay pa ng kanilang adbokasiya na protektahan ang mga bata sa paggamit ng internet, magsasagawa ang Globe ng isang forum para sa safer internet use.

Titipunin ng Globe ang kanilang key stakeholders at multi-sectoral partners para sa #MakeITSafe Webinar alas-10 ng umaga bukas kasabay nang pagdiriwang ng taunang Safer Internet Day.

Matutunghayan ang live streaming ng webinar sa Globe Bridging Communities Facebook page at matatalakay ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) sa Pilipinas.

“As a digital solutions group we look for ways to combat OSAEC through partnerships, instituting technical solutions and working with the relevant stakeholders. Ultimately, we aim to keep our kids safe when they spend time online,” sabi ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer and SVP for Corporate Communications.

Magiging aktibo sa webinar ang UNICEF at tatalakayin ang sitwasyon ng OSAEC sa bansa, bukod pa sa pagtalakay na ang pagbibigay proteksyon sa mga bata ay responsibilidad ng lahat.

Ang Internet Watch Foundation ay ipapaliwanag ang pandaigdigang epekto ng OSAEC, samantalang ang Citizens Watch Philippines at Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3) ay ibabahagi ang pananaw sa epekto sa netizens ng isyu.

Suportado ng Globe ang mga hakbangin ng gobyerno para labanan ang online child abuse sa pamamagitan ng aktubong public education on digital citizenship and responsibility tulad ng Digitan Thumbprint Program.

Read more...