Amihan makakaapekto sa Luzon, Visayas

DOST PAGASA satellite image

Umiiral pa rin ang Northeast Monsoon o Amihan sa bahagi ng Luzon at Visayas.

Dahil sa naturang weather system, sinabi ni PAGASA weather specialist Ana Clauren na iiral pa rin ang makulimlim na panahon na may kasamang pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Bicol region, at Eastern Visayas.

Magiging maulap ang kalangitan at maaring makaranas ng pulo-pulong pag-ulan o pag-ambon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.

Sa bahagi naman ng Mindanao, mataas ang tsansa na makaranas ng mga panandaliang pag-ulan dulot naman ng Easterlies at localized thunderstorms.

Sinabi ni Clauren na walang binabantayang low pressure area (LPA) at bagyo na posibleng makaapekto sa bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Read more...