Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 395.80 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 395.80 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 395,802,648 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 78,017,252 cases.

Sumunod na rito ang India na may 42,271,202 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 26,536,597 naman ang kaso sa Brazil habang 20,758,371 ang napaulat na kaso sa France

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 17,803,325
– Russia – 12,810,118
– Turkey – 12,238,501
– Italy – 11,621,736
– Germany – 11,059,873
– Spain – 10,274,653

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,758,382 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 314,605,717 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...