Active COVID-19 cases sa hanay ng PNP, nasa 648

Nasa 25 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (February 7), 48,589 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 648 ang aktibo pang kaso.

61 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 47,814 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 127 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...