Ibinahagi ni Angara na naratipikahan na sa Senado ang bicameral conference committee report at naplantsa na ang magkakaibang probisyon sa Senate Bill 2124 at House Bill 10698.
Si Angara ang pangunahing awtor ng panukala at tiwala ang senador na ito ang magiging daan para sa mas makabuluhang partisipasyon ng kabataan para sa kaunlaran at paghubog sa mga susunod na mamumuno sa bansa.
Ayon pa sa namumuno sa Senate Committee on Youth, sa kanyang panukala ay tatanggap na rin ng buwanang honoraria ang iba pang opisyal ng SK, bukod sa chairperson.
Napagkasunduan din aniya ng mga mambabatas na prayoridad sa paggamit ng pondo ng SK ay ang mga programa para sa pangangalaga sa kapakanan, karapatan, kabuhayan at pagsasanay sa mga kabataan.
Nakasaad din sa panukala na hindi bababa sa isang porsiyento ng taunang budget ng lokal na pamahalaan ang ilalaan sa Local Youth Development Office.