Mariing pinabulaanan ni Presidential aspirant Panfilo “Ping” Lacson ang lumabas na ulat na siya ang mga pinakamalaking ginasta para sa kanyang media advertisement noong nakaraang taon.
Pagdidiin niya, imposible na gastusin nila ang isang halaga na hindi nila hawak.
“I asked my campaign team, volunteers and supporters about this. They insisted that they never saw, much less had this much money. No way we could have spent what we didn’t hace. I asked them to check again – same answer,” sabi pa nito.
Sa lumabas na ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), gumasta si Lacson ng P915 milyon sa kanyang media ads noong nakaraang taon.
Nilinaw din ng PCIJ na ang halaga na kanilang inilabas ay base sa published rate cards bago pa man mabigyan ng diskuwento ang campaign team ng standard-bearer ng Partido Reporma.