Mga ospital, health workers naghahanda na para sa pagbabakuna sa mga batang may edad 5-11

Valenzuela City government photo

Naghahanda na ang mga ospital at health worker, katuwang ang local government units (LGUs), para sa pagkakasa ng COVID-19 vaccination para sa mga batang may edad lima hanggang 11 taong gulang.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center Co-lead Dr. Kezia Lorraine Rosario na inihahanda na ang layout ng pagbabakuna at manpower sa pagbibigay nito.

Iba pa aniya ang training na pinagdaanan ng mga health worker dahil iba ang formulation ng bakuna sa pediatric population.

Nasa .2 ml lamang aniya o mas maliit ang ibinibigay na dosage ng bakuna sa naturang age group.

“Ang formulation naman ay very safe sa ating mga vaccine recipient. Talagang ito ang suited for age group nila,” ani Rosario.

Sa datos aniya ng NVOC, nasa 500,000 na ang bilang ng mga nagparehistrong bata na makikiisa sa vaccination.

Karamihan, ani Rosario, ay mula sa urban areas dahil sila aniya ang may kapasidad na makapagsagawa ng digital registration.

Read more...