Unang batch ng Pfizer COVID-19 vaccines para sa mga may edad 5-11, dumating na sa bansa

Screengrab from PTV Facebook video

Dumating na sa Pilipinas ang 780,000 doses ng COVID-19 vaccine na Pfizer sa bansa.

Gagamitin ang naturang bakuna para sa pagbabakuna sa mga batang may edad lima hanggang 11 taong gulang simula sa Lunes, February 7.

Ayon kay National Vaccination Operations Center Co-lead Dr. Kezia Lorraine Rosario, may iba pang batch ng mga bakuna na inaasahang darating sa bansa ngayong linggo.

“We are expecting another delivery po this week. so around 1.5 million po ‘yung ating number ng bakuna na dumating at darating this week po,” saad nito.

Ani Rosario, two dosages din ang matatanggap ng naturang age group at 21 days din ang interval ng pagbibigay ng bakuna.

“Within this time period po, ang ating mga logistics team ay ine-ensure nila na ‘yung nabigyan ng first doses ay may katapat talaga siyang second doses, at ma-ensure na sila ay on time sa kanilang second dose,” ani Rosario.

Tuluy-tuloy naman aniya ang pagpapadala ng bakuna sa bansa.

Read more...