P3.5-M halaga ng shabu nakuha sa drug suspect sa Talisay, Cebu

PNP photo

Arestado ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang jsang drug suspect sa ikinasang operasyon sa Talisay, Cebu

Aabot sa P3,570,000 ang halaga ng nakumpiskang shabu kay John Casper Puyat, 21-anyos.

Sa mga ulat kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, sinabi ni Police Brigadier General Roque Eduardo Vega, Regional Director ng Police Regional Office 7, na isinagawa ang drug bust operation ng mga elemento ng Talisay City Police Station sa bahagi ng Sitio Hawod, Barangay Bulacao.

Nakuha kay Puyat ang humigit-kumulang 525 gramo ng hinihinalang shabu, isang unit ng caliber.22 revolver at ginamit na buy bust money.

“Isa na namang matagumpay na operasyon laban sa iligal na droga ang naisagawa ng ating kapulisan sa Gitnang Kabisayaan at saludo ako sa inyong dedikasyon at patuloy na pagtugon sa panawagan ng ating Pangulong Duterte na ito ay supilin sa buong bansa,” pahayag ni Carlos

“At sa aking maikling panunungkulan bilang hepe ng Pambansang Pulisya ay sisikapin pa nating masugpo at tuluyang wakasan ang iligal na droga na syang salot sa lipunan na sumisira sa magandang kinabukasan ng ating mga kabataan sa pamamagitan ng pagtutulungan kasama ang ating kumunidad,” dagdag nito.

Dinala ang naarestong drug suspect at ebidensya sa opisina ng Drug Enforcement Unit, Talisay City Police Station para sa documentation at pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5 na may koneksyon sa Section 26(b) Section 15, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition and Penalties.

PNP photo

Read more...